-- Advertisements --
Papalitan na ng South Korea ang mga concrete barriers sa pitong paliparan nila.
Ang nasabing hakbang ay kasunod ng madugong pagbagsak ng pampasaherong eroplano noong Disyembre na ikinasawi ng 179 katao.
Babaguhin din ng pitong paliparan sa South Korea ang kanilang runway safety areas.
Magugunitang nag-emergency landing sa Muan airport ang Jeju Air Flight mula sa Thailand at ito ay sumabog matapos bumangga sa concrete barrier sa dulo ng runway.
Ayonsa mga otoridad na hindi aabot sa nasabing bilang ang mga nasawi kung wala ang nasabing concrete barriers.