LAOAG CITY – Inamin ni Engr. Manuel Aurelio, assistant engineer ng City Engineering Office sa lungsod ng Laoag na ibinenta nila ang mga condemned materials sa junkshop sa Brgy. 2 nitong lungsod.
Iginiit na wala ng record ang mga naturang materyales na ibinenta nila.
Paliwanag nito na hiningi nila sa nagngangalang Ben Carreon, isang bidder at taga Tarlac ang mga ibinentang condemned materials matapos idinaan sa auction noon.
Una rito, sinabi ni Aurelio na kinuha nila ang mga mapapakinabangan na parte ng equipment na hiningi nila mula kay Carreon.
Naniniwala na wala silang nilabag na batas matapos ang kanilang pagbenta sa mga ito.
Pinabulaanan ni Aurelio na umabot sa P80,000 ang pinabentahan sa mga condemned materials ngunit kulang-kulang ng P40,000 ang pinagbentahan.
Sa naging pag-usisa ng Bombo Radyo ay umabot sa P80,000 ang pinagbentahan dahil nagpaunang bayad ang junkshop ng P50,000 at sumunod ang P30,000.