-- Advertisements --

Papayagan na ang paglalaro ng mga sports gaya ng basketball, volleyball, football at ibang uri ng contact sports sa lungsod ng Taguig.

Base sa advisory ng Taguig Safe City Task Force na ito ay nakasaad sa alert level 2 ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na maaaring magsagawa ng contact sports.

Tanging mga manlalaro lamang na bakunado na ang papayagan ganun din ang mga manonood ay dapat bakunado na rin.

Nararapat din aniya na ipaalam sa barangay ang anumang gagawing aktibidad maging indoor o outdoor man.