Halos 100% ng patay ang mga coral sa Sabina shoal o tinatawag din na Escoda shoal ayon sa marine scientists mula sa University of the Philippines ngayong araw ng Biyernes.
Ayon kay UP Institute of Biology’s Jonathan Anticamara naobserbahan ang malawak na coral bleaching sa lugar matapos ang kanilang isinagawang marine scientific survey sa lugar.
Kung maaalala noong nakalipas na buwan, iniulat ng Philippine Coast Guard ang itinapong durog na mga coral malapit sa lugar.
Samantala, noong Hunyo 4 naman nagkaroon ng matinding iringan ang coast guards ng pilipinas at China sa Escoda shoal matapos na tangkain ng pwersa ng China na harangin ang kamakailang marine scientific reserach mission ng Pilipinas sa pinagaagawang bahura.
Inaangkin kasi ng China ang naturang reef na bahagi ng kanilang teritoryo kahit pa iti ay 75 nautical miles lang ang layo mula sa Palawan na nasa loob ng exclusive economic zone ng Pilipinas.