Iniulat ng Armed Forces of the Philippines na wala nang natirang mga coral sa Rozul Reef na bahagi ng West Philippine Sea.
Ayon kay AFP Western Command, commander Vice Admiral Alberto Carlos, posibleng nagha-harvest ng mga coral ang China sa nasabing lugar.
Matapos kasi ang pananatili at pagkukumpulan ng mga Chinese maritime militia vessels dito ay nagpadala AFP ng mga divers sa lugar upang tingnan ang kalagayan doon.
Dito na tumambad sa AFP na wala nang natirang mga coral dito habang ang iba naman ay nasira na at may mga debris pa.
Ayon kay Carlos, nakakabahala ito dahil ang mga Pilipino aniya ang dapat na nakikinabang sa mga yaman na nasa loob ng Exclusice Economic Zone ng Pilipinas.
Samantala, sa bukod naman na pahayag ay sinabi ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar na ang coral harvesting na ito ng China ay posibleng magdulot ng banta sa food security hindi lamang ng Pilipinas kundi pati na rin sa buong mundo.
Dahil dito ay nagdeploy ngayon ng dagdag na presensya ng militar ang bansa sa nasaing lugar kasabay ng paghimok sa mga kaalyado nito na umaksyon hinggil sa ganitong uri ng mga ilegal na aktibidad.