-- Advertisements --

Para mabigyan-daan umano ang maintenance works ng Maynilad, ilan sa kanilang mga customers ay makakaranas na naman ng water service interruptions mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 2, 2020.

Ang urgent maintenance work ay isasagawa sa Putatan Water Treatment Plant 2 sa Muntinlupa City.

Ang maintenace works na dapat isagawa agad ay para maibalik sa normal ang water production ng nasabing pasilidad na lubhang naapektuhan ng prolonged high turbidity sa tubig ng Laguna Lake.

Ang water service interruption ay makakaapekto sa mga customers sa Las Pinas, Muntinlupa, Paranaque, Pasay sa Metro Manila maging sa Bacoor at Imus sa Cavite.