-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Pinangangambahang mas dadami pa ang mahahawaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pakistan matapos na tanggalin na ang lockdown sa kabila ng maraming naitatalang kaso.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lucia Deocades, presidente ng United OFW sa Pakistan at tubong Calinog, Iloilo, sinabi niya na umabot na sa halos 55,000 ang kaso ng COVID-19 na naturang bansa.

Ayon kay Deocades, kung hindi tatanggalin ang lockdown sa naturang bansa ay mas marami ang mawawalan ng trabaho at magugutom dahil sa hirap ng buhay.

Sinabi pa ni Deocades na isa rin sa rason kaya tinanggal ang lockdown ay dahil bihira lamang ang sumusunod sa mga alituntunin gaya na ng pagsusuot ng face mask at pagsunod sa social distancing.