-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nababahala na umano si Iloilo City Mayor Jerry Treñas sa pagdami ng mga health workers na nagsisialisan sa kanilang mga trabaho sa mga private hospital sa lungsod.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Treñas, sinabi nito na nakatanggap siya ng impormasyon na may mga healthworkers sa mga pribadong ospital na nagbitiw na sa kanilang mga trabaho at piniling lumipat sa Department of Health.

Anya, isa sa mga dahilan ng mga healthworkers sa pag-alis sa kanilang trabaho ay ang mababang sahod sa mga private hospital.

Maliban dito, napapagod na rin anya ang mga healthworkers sa pagharap sa mga COVID-19 patients sa loob na ng halos dalawang taon.