-- Advertisements --
GENERAL SANTOS CITY – Diretso na sa mga level 1 hospital ng Sarangani province ang mga pasyente na may COVID-19 dahil hindi na tumatanggap ng mga COVID referral ang mga pagamutan sa Gensan.
Ayon kay Dr. Arvin Alejandro, provincial health officer ng Sarangani na wala na umanong paglagyan ng mga pasyente dahil marami ring COVID-19 positive ang lungsod ng Gensan.
Dagdag ni Alejandro, may tatlong level 1 hospital ang probinsya kaya’t doon dinadala ang mga COVID positive mula sa pitong munisipyo.
Sinabi rin na kanilang pinamamadali na tapusin na ang COVID-19 referral facility sa Kawas, Alabel sa lalong madaling panahon.
Una na rito anim na pasyente ang hindi tinanggap sa isang pagamutan sa lungsod dahil puno na ito ng pasyente.