Papayagan ng US Centers for Disease Control and Prevention (CDC) na makaboto ang mga nadapuan ng coronavirus.
Ayon sa CDC na ang mga COVID-19 positive ay dapat sundin ang mga panuntunan na kanilang ipinapatupad.
Unang -una ay dapat ipaalam nila sa mga election officials tungkol sa kanilang kalagayan pagdating sa polling stations.
Ilan sa mga susundin na panuntunan ay dapat magsuot sila ng mask, magkaroon ng hanggang anim na talampakang distansya sa bawat isa ganun din ang paghugas ng kamay o paggamit ng hand sanitizers bago at pagkatapos na bumuto.
Pinayuhan din ng CDC ang mga mayroong masamang pakiramdam.
Ilan sa mga dito ay ang dapat maghanap na lamang sila ng ilang alteratibo para bumuto.
Iwasan na makipagsabayan sa mga mataong lugar at dapat ay dala na lahat ng mga kakailanganing dokumento para hindi na masayang oras sa pagboto.