-- Advertisements --

Hanggang ngayong araw na lamang Marso 24 ang palugit na ibinigay ng Department of Health (DOH) sa mga government hospitals at health facilities na nabigyan ng mga COVID-19 vaccines na tapusin ng bakunahan ang kanilang mga health workers.

Sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang hindi nagamit na bakuna ay dadalhin sa high-risk areas gaya ng Metro Manila.

Dagdag pa nito na hindi dapat na itago ng matagal ang nasabing mga bakuna.

Paglilinaw naman nito na mapapalitan din ng parehas na brand ang mga bakuna na maibabalik ng mga pagamutan dahil may mga parating pa na bakuna sa bansa sa susunod na araw.

Nanawagan din siya sa mga mamamayan na igalang ang vaccine priority ng gobyerno lalo na ang vaccine na donasyon mula sa global COVAX facility.