-- Advertisements --
Pinayuhan ni vaccine czar Carlito Galvez Jr ang mga local government unit (LGU) na huwag gamitin ang mga nakalaang second dose para sa mga first shots.
Ito ay dahil sa kakulangan ng suplay ng bakuna sa bansa kaya may ilang LGU ang pansamantalang tumigil sa kanilang vaccination drive.
Sinabi pa ng kalihim na sa halos 12-milyon na nabakunahan sa bansa ay mayroong halos 3 milyon ang naturukan na ng second dose at nasa 9 milyon naman ang nabigyan ng first dose.
Inaasahan na mayroong anim na milyong doses ng bakuna mula sa Sinovac ang darating sa bansa ngayong buwan ng Hulyo.