-- Advertisements --

Inilabas ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang mga panuntunan sa pagbibigay ng libreng buwis sa mga importer ng coronavirus vaccine na nasa ilalim ng COVID-19 Vaccination Program Act of 2021.

Ayon kay Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III at BIR Commissioner Caesar Dulay na nakapaloob sa Republic Act 11525 na simula sa noong Enero 1, 2021 na ang mga binili ng gobyerno at pribado, importation, donation, storage, transport, deployment ganun din ang administration ng coronavirus vaccines ay hindi na sisingili ng Customs tax, 12 percent value-added tax (VAT) , excise at donor’s tax at ilang mga bayarin.

Ang nasabing tax exemption ay incentive ay maibibigay basta hindi ibebenta at gagamitin para sa pang-komersiyo o negosyo ang nasabing mga bakuna.

Dahil sa tax free ang mga ito kaya dapat ay agad na sila ilabas pagdating sa mga ports.