Pataas nang pataas ang bilang ng mga namamatay sa COVID-19 sa Italy.
Dahil rito maraming mga Crematorium sa bansa ang hindi na kayang tumanggap pa ng mga labi.
Sa panayam ng Star FM Baguio kay Bombo International Correspondent Hazel Tisot estudyante sa Trentino Italy, sinabi nito na mga militar na ang naglilipat ng mga bangkay sa ibang lungsod at mga karatig na lugar upang doon na lang i-cremate ang mga naturang labi.
“Actually, yung mga Military dinadala na nila ung ibang namatay sa ibang crematorium kasi ung ibang crematorium sa Bergamo hindi na po talaga nila kayang i-cremate lahat ng mga namatay so dinala na po nila sa ibang city yung mga namatay para dun po icremate.”
Dagdag pa nito na kawawa ang pamilya ng mga namatay sa COVID-19 dahil hindi man lang nila masisilayan ang kanilang namayapang mahal sa buhay.
“Napakahirap po ng situation lalo na po dun sa mga family ng biktima kasi hindi sila nabigyan ng pagkakataon na masilip man lang ung mahal nila sa buhay na namayapa po.”