Sumasailalim sa training ang mga crew ng dalawang bagong gunboat ng Philippine Navy na BRP Tomas Campo (PG-908) at BRP Albert Majini (PG-909).
Ang dalawang barko ay kapwa fast attack interdictor craft-missile (FAIC-M) boats.
Dumadaan ang mga crew sa operation and maintenance training para sa Non-Line of Sight (NLOS) missile system na isa sa mga bagong teknolohiya na gamit ng mga bagong barko.
Ang training ay pinangungunahan ng mga kinatawan Rafael Advanced Defense System Limited, ang manufacturer ng NLOS missile system na nakabase sa Israel.
Magtutuloy ito hanggang Pebrero-7, 2025.
Bawat barko ay may anim na crew na sumasailalim sa training na kinabibilangan ng commanding officer, executive officer, weapons officer, at iba pang pangunahing personnel ng weapons departments.
Layon ng naturang training na maturuan ang mga ito ng sapat na kakayahan kapwa sa theoretical instruction at hands-on application.
Isa rin sa magsisilbing component nito ay ang at-sea phase na magpopokus sa system testing, calibration, at missile firing procedure.
Ang advanced missile system na ginagamit sa dalawang barko ay kapwa may range na 30 km at may kakayahan na tamaan ang mga target nito ng may ‘pinpoint accuracy’