-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Dahil sa tensyunado pa ring sitwasyon sa Israel at Gaza Strip ng Palestine, para umanong naka-lockdown ngayon ang buong Israel dahil sa madalang na mga bumibiyaheng mga sasakyan at lumalabas na mga tao.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, kinumpirma ni Bombo international news correspondent Arriane Espiritu mula sa Central District ng Israel, na ito’y kahit nakapagpahinga na sila kahapon matapos na walang natanggap na red alert bilang senyales na walang banta ng pagsabog.
Dagdag pa ni Espiritu, kahit mga 30 to 45-kilometers ang layo nila mula sa Gaza Strip ngunit maririnig pa rin nila ang lakas ng mga pagsabog ng bomba sa magkabilang panig.