-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Tinatayang aabot sa 30 hanggang 40-libong mga indibidwal ang sasali sa National Rally for Peace ng Iglesia ni Cristo na isinagawa ngayon sa may City Sports Complex sa Barangay Libertad nitong lungsod ng Butuan mula sa iba’t ibang bahagi ng Caraga Region bilang suporta sa kanilang panawagan para sa kapayapaan ng buong bansa.

Ayon kay PLt. Crispulo Alburo, tagapagsalita ng Butuan City Police Office, mahigpit na seguridad ang kanilang ipinatupad sa loob at labas na bahagi ng venue kasama ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection o BFP, City Transportation, Traffic and Management Department o CTTMD upang walang mababalda ang rali lalo na sa takbo ng trapiko.

Kinumpirma naman ni PCol Harry Domingo, ang provincial director ng Surigao del Sur Police Provincial Office na may mga taga-lalawigan din nila na sumali sa rali at babalik kaagad pagkatapos ng aktibidad.