Tanging mga naturukan lamang ng COVID-19 vaccine ang papayagang dumalo sa taunang pilgrimage sa Saudi Arabia sa pagsisimula na ng Ramadan o holy fastings para sa mga Muslims.
Ayon sa The Hajj at umrah ministry, mayroong tatlong kategorya ng mga tao na kanilang ikinokonsidera bilang “immunize.”
Ito ay ang mga naturukan na ng dalawang doses ng bakuna, mayroon ng unang dose ng bakuna 14 days bago ang pilgrimage at ang gumaling na sa nasabing sakit.
Ang nasabing mga tao sa nabanggit na kategorya ay papayagan lamang na dumalo sa pagdarasal sa Grand Mosque sa Mecca.
Ang kategoryang ito ay epektibo rin sa mga nais na pumasok sa Prophet’s Mosque sa holy city ng Medina.
Aabot na kasi sa 393,000 ang kaso ng COVID-19 sa Saudi Arabia na mayroong 6,700 na ang nasawi.