-- Advertisements --
Nanawagan si Father Rufino “Jun” Sescon Jr ang rector ng Minor Basilica at National Shrine ng Jesus Nazareno sa mga nakapila na sa ‘pahalik’ na ugaliing mag-sanitize.
Sinabi nito na mahalaga na pagkatapos na hawakan ang rebolto ng Itim na Nazareno ay maghugas o mag-sanitize na agad.
Mahalaga aniya ito para hindi mahawaan ng anumang sakit dahil sa magkakahalo na ang mga taong nakapila.
Mula nitong gabi ng Lunes ay sinimulan ang pila ng ‘pahalik’ para sa itim na Nazareno sa Quirino Grandstand.