-- Advertisements --

Matapos ang ilang lingong tuloy-tuloy na pagpapakawala ng tubig, tuluyan nang isinara ng mga dam sa Luzon ang mga floodway gate na unang binuksan sa kasagsagan ng mga pag-ulan.

Huling nagsara ng gate ang Binga Dam na kahapon ay nagpapakawala pa ng kabuuang 53.008 cubic meters per second(CMS) mula sa isang gate nitong nakabukas na ng ilang ligo.

Sinundan ng Binga ang nauna nang pagsasara ng Ambuklao Dam at Magat Dam sa unang bahagi ng kasalukuyang lingo.

Batay sa report na inilabas ngayong araw ng Hydrology Division ng state weather bureau, bahagyang tumaas ang lebel ng tubig sa karamihan sa mga dam sa Luzon.

Kinabibilangan ito ng Caliraya, Magat, Binga, Ambuklao, La Mesa, at Angat Dam.

Tatlong dam naman ang nakapagrehistro ng pagbaba ng lebel ng tubig na kinabibilangan ng Pantabangan, San Roque, at Ipo.