-- Advertisements --

Hindi makakadalo sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sina dating Vice President Leni Robredo at Jejomar Binay.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco na tinanggihan ng dalawang dating opisyal ang imbitasyon.

Hindi naman na nila tinanong ang dahilan ng hindi pagdalo ng mga ito.

Wala pang kasagutan sa imbitasyon sina Vice President Sara Duterte at ama nitong si dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Nasa 2,000 na mga bisita ang nagkumpirma na makakadalo sa SONA kabilang ang representatives mula 47 foreign embassies sa bansa.

Binalaan din ito ang mga dadalo na magsusuot ng mga may mensahe na nagpoprotest ay hindi nila papayagang makapasok sa plenaryo.