-- Advertisements --

Pinasalamatan ni Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso ang ilang mga dating cabinet secretaries sa pakikipagpulong sa kaniya.

Pinangunahan kasi ni dating Department of Agrarian Reform Secretary Hernani Braganza, dating labor chief at executive secretary Ruben Torres, Danny Fausto ang pangulo ng Philippine Chamber of Agriculture and Food at Elias Inchong ang pangulo ng United Broilers Raisers Association ang nakipagpulong kina Mayor Domagoso at Dr. Willy Ong.

Dumalo rin sa pamamagitan ng Zoom sina dating Department of Agriculture secretary Leonardo Montemayor at dating Presidential Flagship Programs secretary and Agriculture and Trade and Industry undersecretary Ernesto OrdoƱez.

Pinuri naman ni Braganza sina Ong at Domagoso dahil sa magandang plataporma na kayang sugpuin ang pandemiya, pagbuhay ng ekonomiya at pagtulong sa mga maliliit na negosyante.

Magugunitang tatakbo si Moreno sa pagkapangulo sa ilalim ng Aksyon Demokratiko party kasama si Dr. Willie Ong bilang kaniyang vice president sa 2022 elections.