-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Tumanggap ang 24 na mga Persons who Used Drugs (PWUDs) sa Kabacan, Cotabato ng mga ekipahe na pang welding.

Ayon kay MADAC Focal Person Honey Joy Cabellon, ang mga tumanggap ay mula sa 1st batch at 2nd batch ng CBDRP na kung saan sa pakikipagtulungan ng LGU kay Rep. Jose Tejada ay nailapit sa TESDA Vocational Course ang mga ito.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga PWUDs sa lokal na pamahalaan ng Kabacan sa patuloy na suporta.

Matatandaang maliban sa TESDA courses, namamahagi din ng mga livelihood programs ang LGU sa mga PWUDs sa pakikipagtulungan sa mga ahensya ng pamahalaan.

Samantala, hinikayat naman ni ABC Pres. Evangeline Pascua-Guzman ang mga tumanggap ng equipment na pagyamanin ang kanilang kaalaman at huwag ng balikan pa ang nakagawiang iligal na droga.