Nakatanggap ng libreng pabahay ang mga dating rebelde na mula sa San Jose de Buan, Samar sa ilalim ng “Saad nga Balay” initiative o houses for former rebels ng pamahalaan.
Nanguna sa ginanap na turnover ceremony si Senador Robinhood Padilla, Samar Governor Sharee Ann Tan at San Jose de Buan Mayor Joaquin.
Dumalo rin sa naturang programa sina San Jose de Buan Peace builder Group President Tito Labong at 8th Infantry Division Commander MGen. Camilo Z. Ligayo.
Ang nasabing inisyatibo ay naglalayong suportahan ang mga dating rebelde na nagbalik-loob sa pamahalaan.
Ito ay sa pamamagitan ng pagbibigay ng maayos na pabahay nang sa gayon ay makapagsimula silang muli.
Aabot naman sa 10 pabahay ang ipinamahagi sa mga mga benepisyaryo ng Peacebuilder Group habang pito pa ang patuloy pang ginagawa.
Nagkakahalaga rin ito ng 4 milyong piso na pinondohan ng provincial government of Samar at municipal government.