LAOAG CITY – Inihayag ni Bombo International News Correspondent Rene Ballenas mula New Jersey, USA na marami ang bumaliktad kay dating United States Pres. Donald Trump para sa darating na halalan sa Nobyembre 5.
Sinabi niya na marami sa mga tagasuporta ni Trump noong 2016 Elections ang umatras sa pagsuporta sa kanya ngayong 2024 Elections kasama na ang mga bilyonaryo na nagbibigay ng donasyon sa kanya.
Malaki aniya ang posibilidad na manalo sa halalan si Vice Pres. Kamala Harris sa kabila ng pagiging isang babae dahil hindi ipinapakita umano ni Trump ang mga isyu na mahalaga sa mga Amerikano.
Sabi niya na may mga bagay na nakasira sa pampublikong imahe ni Trump sa panahon ng kanyang panunungkulan bilang Pangulo ng Estados Unidos.
Kaugnay nito, nabatid na tumaas din ng mahigit 3 trilyong dolyar ang utang ng Estados Unidos sa ilalim ng kanyang administrasyon.
Dagdag pa niya, maraming isyu ang napag-usapan noong unang Democratic National Convention kung saan tinalakay ang Universal Healthcare Law, immigration, boarder issues, gender equality at iba pa.