KORONADAL CITY – Plano umano ng ilang mga dayuhan na naninirahan sa California sa Estados Unidos na gawin itong sangtwaryo para sa kanila.
Ito ang inihayag ni Bombo international correspondent Vic Destora Benson, isang medical worker sa Los Angeles sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Benson na tubong-Norala, South Cotabato, nais umano ng ilang dayuhan na gawin itong sanctuary para sa kanila dahil wala umanong nanglalait sa kanila kahit anupaman ang lahi ng isang dayuhan.
Samantala, malaki pa rin ang tsansang manalo ng kanilang pambato na si Joe Biden sa halalan sa Nobyembre 3.
Ito ay kahit na may mangilan-ngilang ring mga Californians ay nagpahayag ng suporta kay US President Donald Trump.
Samantala, ibinahagi rin nito na bumabalik na sa normal ang covid-19 situation sa California kun sa diin balik na umano sila sa green zone at wala nang naitatalang mga panibagong kaso.
Ito’y matapos mabilis nilang naagapan ang paglawak ng naturang pandemiya kung saan ginawaran ang kaniyang pinagtatrabahuhang gusali ng 4-star.