-- Advertisements --
Ipinag-utos ng Russian government ang pagsasailalim sa mandatory medical check-ups at drug tests sa lahat ng mga dayuhan na nagtutungo sa nasabing bansa.
Ang nasabing batas ay naging epektibo na nag-aatas sa mga dayuhan at mga long-term visitors na kuhanan ng fingerprints at regular na mandatory medical check ups.
Ang mga nanirahan sa kanilan bansa ng mahigit 90 araw ay isasailalim sa pagsusuri kung sila ba ay dinapuan ng sexually transmitted disease, tuberculosis at kung gumagamit ang mga ito ng iligal na droga.
Pinabulaan din ng gobyerno ang alegasyon na ang mga dayuhan ay isasailalim ng pagsusuri tuwing tatlong buwan.