Ibinunyag ngayon ng Bureau of Immigration (BI) na ang mga dayuhan na naaresto kamakailan dahil sa umanoy pang-iispiya ay matagal na naninirahan sa bansa.
Sinabi ni Immigration Commissioner Joel Anthony Vidao, na kanilang nakita sa record nila ang ilan sa mga dito ay ilang dekada ng nakatira bansa.
Dagdag pa nito na ang iba ay noon pang 2002 naninirahan sa bansa at mayroon silang legal status.
Habang ang ilan ay mayroong work visas na ang kumpanya ay matatagpuan sa San Juan at Maynila at ang ilan ay ikinasal na sa isang Filipina.
Magugunitang noont Enero 17 ng maaresto ng National Bureau of Investigation si Yuanqing Deng sa isang condominium unit sa Lungsod ng Makati at ang huli ay ang pagkakaaresto sa limang Chinese spies na nagmomonitor ng mga aktibidad ng Philippine Coast Guard at Philippine Navy sa Palawan.
Mayroong mahigpit naman na ugnayan ang BI sa Department of Justice, NBI at Armed Forces of the Philippines para makalikom na dagdag na impormasyon sa mga suspeks.
Hinikayat din nito ang publiko na agad na isumbong sa mga otoridad ang anumang suspicious activities mula sa mga foreign nationals na makakaapekto sa national security.