-- Advertisements --

Nagbabala si Iranian President Hassan Rouhani sa mga banyagang puwersa na umano’y banta sa seguridad ng Gulf.

Tugon ito ni Rouhani matapos ipag-utos ng Estados Unidos ang pagpapadala ng karagdagang mga tropa sa rehiyon.

“Foreign forces can cause problems and insecurity for our people and for our region,” wika ni Rouhani sa isang taunang military parade.

“If they’re sincere, then they should not make our region the site of an arms race,” dagdag nito.

“Your presence has always brought pain and misery for the region. The farther you keep yourselves from our region and our nations, the more security there will be for our region.”

Dagdag ng Iranian leader, ilalahad umano nito sa kanyang pagdalo sa United Nations General Assembly ngayong linggo ang isang regional cooperation plan.

Layon daw ng nasabing plano na lumikha ng seguridad sa Gulf region.

“In this sensitive and important historical moment, we announce to our neighbours, that we extend the hand of friendship and brotherhood to them,” ani Rouhani. (AFP/ Al Jazeera)