DAGUPAN CITY — Hindi napigilan ng maalinsangang panahon ang pagdagsa ng mga deboto sa St. John Cathedral dito sa lungsod ng Dagupan ngayong Linggo ng Palaspas nahudyat ng pagsisimula ng Kuwaresma.
Sa paglilibot ng Bombo Radyo News team, nabatid na kinailangan ng umupo sa monoblock ng ilang mga deboto matapos na mapuno na ang mga upuan ng Simabahan sa dami ng mga nais na magpabendisyon ng kanilang mga palaspas habang ang iba ay piniling sa malilim na bahagi nalamang ng compound ng simbahan mamalagi upang makabahagi lamang sa misa.
Samantala, naging pahirapan naman ang pag-aayos ng parking at daloy ng trapiko partikular na sa entry at exit point ng Simbahan kasabay ng pagdagsa ng mga deboto.
Ilang mga nagtitinda din ng mga palaspas malapit sa Simbahan ang nasita dahil narin sa pagiging sagabal ng mga ito sa trapiko matapos na maglatag ng kanilang mga benta sa gilid ng kalsada.
Nabatid na hindi bababa sa 40 ang nagbebenta ng palaspas sa naturang Simbahan lamang kung saan ang iba ay sila na mismong lumalapit sa mga deboto upang magbenta.