-- Advertisements --

INTRAMUROS – Patuloy na dinarayo ngayon ng maraming deboto ang ikalawang araw ng public exposition sa blood relic ni Pope St. John Paul II na kung saan napakahaba ng pila sa loob ng Manila Cathedral sa Intramuros, Manila.

POPE RELIC

Ang naka-display sa loob ng simbahan ay ang dugo ni John Paul II na nakapaloob sa isang glass ampoule sa gitna ng isang ornate reliquary.

Dahil dugo mismo ng Santo Papa na naging santo, masasabing ito ay first class relic.

Si Pope St. John Paul II ay naging head ng Catholic Church mula October 16, 1978 hanggang April 2, 2005.

Sadyang malapit sa puso si St John Paul II dahil kung ipapaalala taong 2005 ay nanguna ito sa World Youth Day sa Quirino Grandstand, sa Luneta na itinuturing na world record sa dami ng mga dumalo na hanggang ngayon ay hindi pa nababasag ang kasaysayan.

Nagkataon naman na ngayong araw na ito October 22 ay ang araw ng pista ni St. John Paul II.

Bukas ang Manila Cathedral mula ika-7:00 ng umaga hanggang ika-6:00 ng gabi para sa mga nais pang bumisita sa public exposition ng blood relic ni Pope St. John Paul II.

Sa mga nagnanais na humabol meron pang pagkakataon hanggang araw ngayong Linggo na bumisita rito.

Kabilang sa naabutan ng Bombo Radyo na nagtiis sa pila ay si Manuel Evangelista na kasama ang misis.

Si Leo Tamayo naman ay nakiisa rin sa pag-aantay na makalapit sa blood relic ni Pope St. John Paul II para ipagdasal ang kanyang asawa na may lung cancer.

Kung magugunita, naging santo ang Papa noong April 27, 2014 na halos tatlong taon matapos ang kanyang kamatayan sa edad na 84-anyos. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)