-- Advertisements --
DAGUPAN CITY- Dumalo sa misa ang mga deboto sa iba’t ibang simbahang katolika sa Pangasinan kasabay ng paggunita ng Ash Wednesday bilang hudyat ng pagsisimula ng kuwaresma.
Sumentro ang homily sa pagsisisi at paghingi ng tawad sa mga kasalanan.
Sa homily ni Lingayen-Dagupan archbishop Socrates Villegas sa Saint John Cathedral, binigyang diin niya ang pagpapakumbaba sa pagsisisi.
Binanggit ni Villegas ang mga sakripisyong maaring gawin ng isang deboto gaya ng pagninilay, pag – aayuno at pagtulong sa kapwa.
Giit niya na napaka importante ang pagdarasal para makahingi ng kapatawaran.
Samantala, inaasahan ang pagdagsa pa ng mga deboto partikular sa Minor Basilica of Manaoag hanggang sa pagsapit ng Holy week.