NAGA CITY- Patuloy ngayong kinukumpirma kung positibo sa African Swine Fever (ASF) ang mga delatang nakumpsika ng Naga City Veterinary Office at Food and Drug Administration (FDA) sa iba’t ibang mall sa Bicol.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Dr. Junios Elad Jr. ng Naga City Veterinary Office, sinabi nito na noong nakaraang linggo kasama ang FDA sa isinagawang monitoring kung saan nakumpiska ang iba’t – ibang delata sa mga mall sa lungsod ng Naga at Legazpi.
Ayon kay Elad, ang nasabing mga delata ang mula pa sa bansang Vietnam kung saan ang nasabing bansa isa sa mga nagpositobo sa African Swine Fever (ASF).
Sa kabila nito, tiniyak naman ni Elad na wala namang magiging epekto ang mga nasabing delata sa mga tao ngunit pwedeng may epekto ito sa soil industry.