-- Advertisements --
Dumating na sa bansa ang 40 delegado mula South Korea na inatasang mag-imbestiga sa nangyaring pagsadsad sa runway ng Korean Air flight KE631 mula Incheon patungong Mactan-Cebu Int’l Airport.
Sakay ang mga ito ng Korean Air special flight KE2633 na lumapag sa Bohol-Panglao International Airport dakong alas-8:30 ng gabi, nitong Oktubre 24.
Binubuo ang mga ito ng investigation team ng management ng Korean Air at ng Korean Office of Civil Aviation (KOCA).
Sisiyasatin ng grupo kung ano ang dahilan ng abnormal landing ng passenger aircraft na sakay ang 162 pasahero na kinabibilangan ng 112 foreign nationals, 32 balikbayan, at 18 overseas Filipino workers (OFW) mula Incheon, South Korea.