-- Advertisements --

Bumisita sa bansa ang mga delegasyon ng bansang Cambodia bilang bahagi ng kanilang study visit sa excise tax ng bansa.

Kaugnay nito ay mainit namang sinalubong ni Finance Secretary Ralph Recto ang mga delegado.

Ang pagbisita ng mga ito ay naglalayong magbigay ng makabuluhang insights sa gobyerno ng Cambodia sa usapin ng Philippine Excise tax reform.

Ito ay para sa mga produktong nagmula sa tobacco, mga sweetened beverages at mga produktong alak sa bansa.

Ang natukoy na buwis ay inilalaan naman bilang suporta sa mga programa sa pangangalaga ng kalusugan ng mga Pilipino.

Samantala, ang delegasyon mula sa nasabing bansa ay binubuo ng 26 na delegado .

Ito ay pinangungunahan ng undersecretary ng Ministry of Health at Deputy Director General mula sa General of Policy ng Cambodia.