-- Advertisements --
Nanawagan ang anim na Democratic Party mayors sa US congress na hindi payagan ang mga federal law enforcerment agents sa kanilang lungsod.
Ito ang laman ng sulat kung saan ang presensya umano ng mga agents ay labag sa batas ng kanilang lungsod.
Kabilang sa mga pumirma ay ang federal agents ay ang alkalde ng Portland kung saan nagkasagupa ang mga protesters at mga federal agents.
Nagsimula ang protesta sa Portland bilang bahagi ng nationwide racial justice rallies dahil sa pagkasawi ng black American George Floyd ng Minneapolis.
Magugunitang iniutos ni US President Donald Trump ang paglalagay ng federal agents para maprotektahan ang mga federal buildings laban sa mga pagsisira ng mga protesters.