Nanawagan ang mga demokratikong mambabatas kay United States President Joe Biden na bawiin ang visa ng dating pangulo ng Brazil na si Jair Bolsonaro, na nagsasabing hindi dapat mag-alok ng refuge ang Estados Unidos sa sinumang sangkot sa mga kaguluhan laban sa bagong halal na mamumuno sa Brazil.
Si dating Brazil President Jair Bolsonaro, isang malapit na kaalyado ng dating pangulo ng US na si Donald Trump, ay lumipad sa Florida sa halip na dumalo sa inagurasyon noong Enero 1 ni Pangulong Luiz Inacio Lula da Silva at gumawa ng walang basehang mga paratang tungkol sa integridad ng mga halalan noong buwan ng Oktubre.
Kung matatandaan, ang mga taga-suporta ni Bolsonaro noong Linggo ay dumagsa sa Brazil, at sinira ang palasyo ng pangulo at iba pang mga institusyon, na nakahawig naman sa pag-atake noong January 6, 2021 sa Kapitolyo ng United States.
Una na rito, ang Kalihim ng Estado na si Antony Blinken, ay naghayag na ang United States ay hindi pa nakatanggap ng anumang mga kahilingan mula sa Brazil ngunit tutugon ito ng mabilis kung ano ang dapat gawin ng kanilang gobyerno.