Iniharap ni Department of Tourism (DOT) Officer -in-charge Undersecretary for Tourism Development Planning Verna Buensuceso ang kasalukuyang sitwasyon ng ecotourism ng Pilipinas, na binibigyang-diin ang mga makasaysayang hakbang na ginawa ng Kagawaran tungo sa napapanatiling turismo mula pa noong 1990s.
Ayon sa pahayag ni OIC-Undersecretary Buensuceso, ang Pilipinas ay nangunguna sa pagpapaunlad ng ecotourism, sa pagpapatupad ng iba’t ibang mga patakaran at estratehiya tulad ng 20-year sustainable tourism master plan at ang 1987 Constitution.
Kabilang din aniya ang Department of Tourism- Department of Natural and Resources Joint Memorandum Circular on ecotourism framework development, Executive Order 111 at iba pang mga proyekto.
Ang mga nabanggit ay may layuning balansehin ang napapanatiling pag-unlad ng turismo, pangangalaga sa kapaligiran, at pangangalaga sa kultura.
Bilang resulta ng mga programa at patakarang ito, kinilala ang Pilipinas sa buong mundo para sa mga ecotourism destination ng Pilipinas.
Tinalakay din ng opiysal ang mga plano ng Departamento sa hinaharap para sa industriya ng turismo, partikular ang pagkumpleto ng National Tourism Development Plan (NTDP) para sa 2023-2028, na naglalayong magtatag ng sustainable tourism na naka-ugnay sa kultura, pamana, at pagkakakilanlan ng mga Pilipino.