-- Advertisements --

Nakikipag-ugnayan na ang PNP Highway Patrol Group ng sa mga local police ngayon bilang paghahanda na sa inaasahang pagdagsa ng mga tao ngayong isinailalim na sa general
community quarantine ang metro manila maging ang ilang mga lugar sa bansa.

Ayon kay HPG Director B/Gen. Eliseo Cruz, kanilang bibigyan ng pansin ang mga hindi awtorisadong sasakyan na babiyahe at maglalagay sila ng mga motorcycle-riding personnel sa mga strategic na lugar sa ilalim ng kanilang “OPLAN Habol.”

Paliwanag naman ng commander ng Joint Task Force COVID-19 Shield na si Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar, inalerto nya na ang mga pulis na tumatao sa Quarantine Control Points at Dedicated Control Points na para sa cargo at delivery trucks gayundin sa mobile checkpoints na nagsasagawa naman random checking sa iba’t ibang kalsada para pribadong mga sasakyan.

Sa ngayon, mayroong 4,398 QCP at 115 DCP sa buong bansa.

Samantala, dahil sa unti-unti nang nagbubukas na ekonomiya, sinabi ni Eleazar na hindi lahat ng mga sasakyan ay mache-check nila.

Kaya naman strategic ang magiging pwesto ng mga pulis partikular na sa urban areas.

Panawagan ng JTF COVID 19 Shield sa publiko, yakapin ang new normal.

Sumunod sa health protocol at masanay na rin sa mga checkpoint at curfew.