KALIBO, Aklan – Pinaburan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hiling ng Boracay Inter-Agency Task Force na mapalawig pa ang kanilang termino.
Sa ipinalabas na Executive Order No. 115, extended hanggang Mayo 2021 ang buhay ng naturang task force.
Layunin nito na matutukan ang mga nagpapatuloy na mahalagang rehabilitation projects sa ilalim ng Boracay Action Plan gayundin ang mahigpit na pagpapatupad ng carrying capacity regulations.
Sa kabila na na-demolish na ang 111 mga structures sa wetlands, 227 structures sa beach easement at 896 sa kalsada simula noong 2018, mayroon pa rin na 723 structures na nakatayo sa forestland, 112 sa beach easement, ag 334 sa road easement ang kailangang walisin.
Taong 2018 nang ipasara ng Pangulo ang bantog na tourist island sa loob ng anim na buwan upang bigyang daan ang paglilinis at rehabilitation matapos bansagan ang isla na “cesspool” o kahalintulad sa isang poso-negro.