-- Advertisements --
PPCRV KBP election
PPCRV Command Center at Pope Pius Center in Manila (photo from Bombo Christian Yosores)

Maari pang mabago ang rankings ng ilang mga kandidatong pasok sa Magic 12 sa senatorial race sa ginaganap na partial unofficial count.

Sinabi sa Bombo Radyo ni National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) member Lito Averia, hindi pa tapos ang laban para sa mga nagnanais na mahalal bilang bagong senador ng Pilipinas.

Sinabi ni Averia, nasa mahigit isang milyong boto pa raw kasi ang hindi nabibilang hanggang kaninang alas-10:16 ng umaga.

Nangangahulugan ito na 97.75 percent o 83,842 pa lamang aniya ng local Election Returns (ER) mula sa iba’t ibang lugar sa bansa ang nabilang sa partial and unofficial senatorial count sa COMELEC Transparency Server.

Sinabi ni Averia na sa takbo ng bilangan, nasa mahigit 300,000 lamang ang difference sa boto ng mga senatorial candidates na nasa rank 10 hanggang rank 14.

Kaya naman hindi malayo na magpalit-palit pa ang ranking ng mga kandidato depende sa kung sino ang papaboran sa mga hindi pa naire-report na election returns.

“This number is large enough to reorder the positions in the senatorial race, and most importantly, define without doubt the No. 12 or the last slot placer. The margin of votes between the current 10th to the 14th placer now stands at 398,000 well within the 1,043,721 unaccounted votes,” bahagi naman ng NAMFREL statement.

namfrel statement

Hanggang kaninang alas-5:00 ng hapon, si dating Sen. Bong Revilla Jr. na nasa ika-10 puwesto ay mayroong 14,306,939; si Sen. Koko Pimentel naman na pang-11 sa bilangan ay mayroong 14,306,939; si Sen. Nancy Binay na rank 12 ay mayroong 14,256,527; habang ang ika-13 sa listahan na si Sen. JV Ejercito ay mayroong 14,015,848.