Tiniyak ng Department of Justice na hindi makakaapekto sa reklamong human trafficking laban kay Alice Guo sa Department of Justice ang mga dilatory tactics ng kampo nito.
Ito ang binigyang diin ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa ginanap na kapihan ngayong hapon sa tanggapan ng Department of Justice.
Ayon kay Remulla, ayaw nila ang ganitong uri ng mga taktika para bumagal ang imbestigasyon.
Aniya ,ang tanging gusto lamang ng DOJ ay umusad ng maayos ang imbestigasyon at upang mapanagot ang tao na nasa likod ng illegal na operasyon ng POGO hub sa bansa.
Una nang naghain ang mga abogado ni Guo ng mosyon para muling buksan ang imbestigasyon sa naturang kaso.
Punto pa ng kalihim , mahalaga ngayon na submitted for resolution na ang reklamo laban kay Alice Guo sa DOJ.