-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Patuloy pa rin ang exodus ng mga Surigaonons at Dinagatnons ang lungsod ng Butuan kung kaya’t punuan pa rin hanggang sa ngayon ang mga lodging houses at mga hotels na syang temporaryo nilang ginawang tirahan upang magkakaroon lang ng cell phone signal at makaapg-charge ng kanilang cell phone.

Ito’y dahil sa kawalan pa rin nila ng linya ng kuryente at komunikasyon.

Ayon kay Patrilyn Limpioso-Iway na taga-Purok 4, Donville, sa bayan ng Dinagat ng Dinagat islands province nais lamang nila na mapa-abot sa kanilang mga ka-anak na malayo sa kanila na buhay pa silat at nangangailangan lamang ng tulong matapos bayuhin ng malakas nahangin ang kanilang mga bahay kung kaya’t walang wala sila ngayon.