-- Advertisements --

Pinakawalan na ang nasa halos 300 na mga kababaihang dinukot sa NIgeria.

Ayon kay Zamfara governor Bello Matawalle na nasa ligtas ng kalagayan ang mga 279school girls matapos na sila ay mailigtas.

Magugunitang dinukot ng mga armadong kalalakihan ang mga kababaihan sa kanilang boarding school sa Jangebe, Zamfara.

Paliwanag pa ni Matawalle na nagkaroon ng pag-uusap ang kanilang gobyerno at sa mga dumukot na grupo.

Pinabulaanan nito na nagbayad sila ng malaking halaga para mapalaya ang mga kababaihan.

Ikinatuwa naman ni Nigerian President Muhammadu Buhari ang nasabing balita.