Muling iginiit ng Department of Foreign Affairs na kinakailangang sumunod ng mga diplomats sa mga umiiral na batas ng isang bansa kung saan ito naitalaga.
Ginawa ng ahensya ang pahayag kasabay ng naging statement nito na kung saan binalaan ng ahensya ang publiko na huwag maniwala sa pinalutang na audio phone call recording ng china kung saan nakipagkasundo umano ito sa isang opisyal ng AFP western command.
Una nang nagbanta ang Chinese Embassy sa Maynila na ilalabas nito ang nasabing phone call recording dahil sa patuloy na pagtanggi umano ng gobyerno ng Pilipinas na pumasok ito sa isang kasunduan.
Tinukoy nga si AFP Western Command Commander Vice Admiral Alberto Carlos na siga umanong nakipag-usap sa ilang mataas na Chinese Diplomat.
Ayon sa DND, ang mga hakbang na ito ng China ay mga tactica lamang para magsimula ng alitan sa pagitan ng dalawang bansa.
Maaari rin aniya itong magdulot ng kalituhan sa publiko.
Kabilang sa batas na tinukoy ng ahensya na dalat sundin ay ang 1961 Vienna Convention on Diplomatic Relations.
Ito ay nagmama dato sa lahat ng mga diplomats na tumalima sa umiiral na batas sa isang bansa na pinagtalagaan nila.
Ayon pa kay DND Sec. Teodoro, lumabag ang mva ito sa batas ng Pilipinas particular na sa anti-wire tapping law maging sa international law.