-- Advertisements --

Nagbukas na ang lahat ng mga Disney parks sa Asia ngayong buwan ng Hulyo.

Mula pa kasi noong Pebrero ay isinara ang Tokyo Disneyland at Tokyo DisneySea dahil sa coronavirus pandemic.

Noong Mayo ay nagsimulang magbukas ang Shanghai Disneyland na siyang kauna-unahang themepark na nagbukas na sinundan ng Hong Kong Disneyland na nagbukas na rin noong Hunyo.

Ayon sa Oriental Land ang kumpanya na nag-ooperate ng Tokyo Disneyland at DisneySea parks sa Japan na may mga ipinapatupad pa rin silang mga panuntunan para sa kaligtasan ng kanilang staff at mga guest.

Kinabibilangan ito ng advance ticket booking, mandatory temperature checks at social distancing.

Maging ang mga sikat na mascots na sina Mickey Mouse at Minnie Mouse ay hindi rin makikisalamuha sa mga tao.

Plano kasi ng Disney na buksan lahat ng kanilang 12 parks sa buong mundo ngayong buwan ng Hulyo.

Naka-schedule na kasi magbukas sa Hulyo 15 ang Disneyland Paris habang sa Hulyo 11 ang pagbubukas ng Disneyworld sa Orlando, Florida.