Itinuturing ng Commission on Election (Comelec) na “most legally challenged” sa kasaysayan ng halalan sa bansa ang pagtakbo sa pagkapangulo ni dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ito ay dahil sa aabot sa limang disqualification cases ang nakahain sa kanilang opisina laban kay Marcos.
Mula noong Oktubre 6 nang maghain ng kandidatura sa pagkapangulo si Marcos ay magkakasunod na ang inihain na disqualification cases.
Karamihang mga nagsampa ng disqualification ay mga indibidwal at grupo na dumanas ng kahirapan sa pamumuno ng ama ng dating senador.
Tatlo sa mga petitions ay humiling sa Comelec na kanselahin ang certificate of candidacy ni Marcos, isa naman ang humihiling na ideklara siya bilang nuisance candidate habang isa naman ang nais na siya ay ma-disqualify.