KORONADAL CITY – All set na ang strike ang mga doktor at medical personnel sa Hong Kong bilang pagkontra sa inilabas na desisyon ni leader Carrie Lam.
Ayon kay Bombo international correspondent Escarlita Landar na nagtatrabaho sa naturang rehiyon at tubong Sto. Nino, South Cotabato, isasagawa ng mga doktor at mga nurse ang naturang protesta bilang kanilang paraan sa pagkontra sa pahayag ni Lam na buksan umano ang mga borders nito sa China kaugnay sa isyu ng novel-coronavirus.
Nais kasi ni Lam na dapat aniyang tulungan ang mga Chinese sa pamamagitan ng pagbubukas sa mga medical facilities sa kanilang lugar bilang solusyon upang matapos na umano ang problema sa coronavirus, bagay na mariing tinututulan ng mga ito.
Dagdag ni Landar, napagkasunduoan rin ng komitiba ng mga doktor na kakanselahin rin ang mga operasyon sa mga ospital at clinic.
Samantala, inabisuhan rin aniya ng konsulada ng Pilipinas ang mga employer doon na huwag palalabasin ang kanilang mga Pinay helpers upang hindi mahawaan ng coronavirus.