-- Advertisements --

Nagbabala ang Department of Health (DOH) na posibleng matanggalan ng lisensya ang mga doktor na mareresita ng Ivermectin bilang gamot sa COVID-19 infection.

Kasunod ito sa naging babala ng Food and Drugs Administration (FDA) na hindi dapat gamitin ang nasabing gamot para sa paglaban sa COVID-19 dahil hindi nila ito aprubado.

Ang nasabing gamot aniya ay ginagamit para sa mga alagang hayop.

Ayon pa sa DOH na kapag may napatunayang doktor na nagresita ng nasabing gamot ay hindi sila magdadalawang isip na isumbong ang mga ito sa Professional Regulation Commission (PRC) para matanggalan sila ng lisensiya.

Magugunitang naglabas ng babala ang FDA na ang nasabing gamot ay para sa heartworm disease at paggamot sa mga internala at external parasites ng mga hayop.