Nagpaalala ang Department of Health para sa lahat ng mga doktor na maaaring maparusahan ng suspension o revocation ng kanilang lisensya ang sino man sa kanila na mapapatunayang tumatanggap ng regalo mula sa mga pharmaceutical companies.
Ayon kay DOH Assistant Secretary Albert Domingo, sa gitna ito ng kasalukuyang ginagawang imbestigasyon ng kanilang ahensya hinggil sa mga alegasyon ng modus na ito.
Kasunod ito ng mga ulat na may ilang mga doktor ang nagbibigay ng mga prescribed medicines mula sa isang pharmaceutical company kapalit ng mga mamahaling sasakyan o iba pang regalo.
Gayunpaman, ay patuloy na nagpaalala ang DOH na sa ilalim ng batas na Philippine Medical Act of 1952, ang Board of Medicine na nasa ilalim ng Professional Regulation Commission ay pwede nang suspendihin o tanggalan ng lisensya ang doktor depende sa nagawa nitong paglabag sa Code of Ethics.